MANGGAGAWA BUGBOG-SARADO SA DUTERTE ADMINISTRATION

MANGGAGAWA-2

(Ni NELSON S. BADILLA)

Paunti nang paunti ang nabibili ng mga manggagawa sa kanilang mababang sahod na natatanggap tuwing kinsenas at katapusan dahil walang humpay naman ang pagtaas ng presyo ng mga produktong kailangan araw-araw.

Tapos, nagsipagtaasan ang sahod ng mga manggagawa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, ngunit P25 na ang pinakamataas at iyan ay sa Metro Manila kung saan sobrang taas ng presyo ng mga bilihin.

Habang nararanasan ang mga ito ng mga obrero, nadagdagan ang bilang ng mga nawalan ng trabaho ng isang porsiyento (5.1% noong Oktube ng taong kasalukuyan mula 5.0% noong Oktubre 2017), ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kaya, nabawasan din ang bilang ng mga may trabaho na naging 94.9% mula 95%, ayon sa PSA.

Nangangalap pa ng panibagng impormasyon ang PSA para sa unemployment at employment rates nitong Nobyembre.

189

Related posts

Leave a Comment