P2.4B ‘PORK BARREL’ NI GMA, P1.9-B NI ANDAYA NABISTO

ARROYO-ANDAYA

(Ni NOEL ABUEL)

Hindi napigilan ni Senador Panfilo Lacson na ibunyag na isang makapangyarihang babae at la-laking kongresista ang P2.4 bilyon ang isiningit na “pork barrel” funds sa mungkahing P3.757 bilyong 2019 national budget.

Habang binubusisi ang mungkahing badyet, hindi pinangalanan ni Lacson kung sinu-sino ang mga kongresistang nakakuha ng P2.4 bilyon at P1.9 bilyon mga pondong ilalaan sa samu’t sar-ing proyekto para sa kani-kanilang distrito.

Ngunit, tinumbok ng senador na ang P2.4 bilyong pork barrel ay nakalaaan sa kongresista mula Lubao, Pampanga, samantalang ang P1.9 bilyon naman ay pork barrel ng kinatawan ng Cama-rines Sur.

Sa dokumento ng mungkahing P3.757 bilyong badyet ay natumbok na sina Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mambabatas mula Lubao, samanatalang si Majority Leader Rolando Andaya ang kongresista mula Distrito 1 ng Camarines Sur.

Kamakalawa, inamin ni Arroyo na pinayagan niyang magkaroon ng tig-P60 milyong pondo ang mga kongresista sa nasabing badyet, subalit tahasang itinangging pork barrel ito.

Kumbinsido si Lacson na tadtad ng pork barrel ang mungkahing badyet para sa susunod na ta-on.

Alam ng mga mambabatas at ng publiko na ang pork barrel funds ay source ng karagdagang yaman ng mga mambabatas.

6

Related posts

Leave a Comment