SINALUDUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga manggagawa kasabay ng pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagkilala sa mga ito sa taunang Araw ng Paggawa.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang mamamayang Pilipino ay kilala sa buong bansa dahil sa ipinakikitang “great passion, integrity and professionalism” sa lahat ng kanilang ginagawa.
Ang mga katangian aniyang ito ay hindi lamang nakapagbibigay ng “economic gains” sa bansa kundi “source of immense pride” at nagbibigay ng lakas at pag-asa sa mamamayang Pilipino.
“For these reasons, I welcome this yearly occasion with much fervor. On this day, we are given the chance to celebrate all the triumphs and progress that the labor movement has accomplished over the years. We are likewise reminded to overcome the challenges by recognizing the rights of our workers and reassessing the systems that may hinder their growth and development,” ayon kay Pangulong Duterte.
Ang unang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ay nangyari sa Estados Unidos noong 1882 at itinaguyod ng Knights of Labor, isang samahan ng mga anakpawis.
Gayunman, nang lumaon ay ginawang unang Lunes ng Setyembre ang opisyal na pagdiriwang ng araw na ito sa Estados Unidos at Canada.
Sa Pilipinas, higit na sinunod ang tradisyong namayani sa Europa na ipagdiwang ang araw na ito tuwing unang araw ng Mayo. Ang araw na ito ay unang ipinagdiwang sa Pilipinas noong 1903 habang ang bansa ay nasa ilalim ng Estados Unidos.
Sinaluduhan din ng Kamara at maging ng Civil Service Commission, ang mga manggagawa, hindi lamang sa pribadong sektor kundi maging sa gobyerno.
“On this Labor Day, we honor and salute all Filipino workers who work tirelessly so they could put food on the table and improve their quality of life for themselves and their families,” ani House Speaker Lord Allan Velasco.
Binigyan din ng espesyal na pagkilala ni Velasco ang mga low-wage earner na sa kabila ng maliit na sahod ay naging matatag, kasama na ang mga medical frontliner at essential workers sa naging papel ng mga ito sa panahon ng pandemya.
Maging si CSC chairman Karlo Nograles ay nagpugay sa may 1.7 million civil servants o mga empleyado ng gobyerno dahil sa kabila ng pagsubok dala ng pandemya ay walang pag-alinlangang ginampanan ng mga ito ang kanilang responsibilidad sa taumbayan.
“Today as we honor Filipino workers whose labors help lay the very foundation upon which our nation’s progress rests, let us not forget our public officials and employees who—day in and day out, in times of peace or in periods of crisis—keep the government machinery running in order to deliver the public’s much-needed programs and services,” ani Nograles. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)
