MARTIAL LAW SA MINDANAO, POSIBLE NANG ALISIN 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAGPAHIWATIG si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na posible nang i-lift o alisin ang ipinatutupad na Martial Law sa Mindanao bago matapos ang taon.

Ito ay kasunod ng panawagan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa Kongreso na tulungan silang maalis na ang batas militar sa kanilang lalawigan.

Sinabi ni Sotto na posibleng sa pagbabalik sesyon nila sa Nobyembre ay unahin na nilang talakayin ang panukala para sa mas mahigpit na Anti-Terrorism Act.

Sa sandali aniyang maipasa nila ang batas at mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay irerekomenda na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pag-aalis ng Martial Law sa Mindanao.

“We have a better course of action, we will pass ASAP by 1st week of November the Anti-Terrorism Act and DND Sec says they will recommend lifting of martial law in the entire Mindanao if signed by PRRD,” saad ni Sotto.

Kinumpirma ni Sotto na nakausap na nito sina Senador Panfilo Lacson at Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon hinggil sa naturang aksyon at nagkasundo na sila sa kanilang istratehiya.

Nangako rin naman anya ang majority bloc na susuportahan ang kanilang hakbang.

Idineklara ni Pangulong Duterte ang martial law sa Mindanao noong May 2017 at ilang ulit nang pinalawig hanggang sa Disyembre.

 

212

Related posts

Leave a Comment