MAYOR BALDO PINIGILANG MAKALABAS NG PINAS

baldo200

NAGLABAS ng kautusan ang regional trial court sa Legazpi City, Albay na hindi maaaring makalabas ng bansa si Daraga Mayor Carlwyn Baldo habang iniimbestigahan sa kasong murder ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe.

Ipinaalam sa Department of Justice na nag-isyu ang korte ng  precautionary hold departure order (PHDO) laban kay Baldo, ayon kay  Justice Undersecretary and spokesman Markk Perete, Biyernes ng hapon.

Si Baldo, sinasabing mastermind sa pagpatay kay Batocabe at escort na si SPO1 Orlando Diaz, ay inaresto sa illegal possession of firearms habang isasalang naman sa preliminary investigation sa kasong murder.

Ang PHDO ay isang court order na pumipigil sa isang suspect na makalabas ng bansa. Ito ay magkaiba sa hold departure order na iniisyu laban sa isang taong kinasuhan na sa korte.

Nagkaroon ng kautusan ang Supreme Court sa pag-iisyu ng PHDOs noong nakaraang taon, ilang buwan matapos masilipan ng butas ang kapangyarihan ng Justice secretary sa pag-iisyu ng travel ban orders kabilang ang HDOs.

Naghain ng PHDO ang Albay provincial prosecutor’s office noong  Enero 7 laban kay Baldo at limang iba pa na isinasangkot sa murder ni Batocabe. Una na ring nag-utos ang DoJ sa Bureau of Immigration na imonitor ang tangka ni Baldo, kung mayroon man, na umalis ng bansa.

 

196

Related posts

Leave a Comment