MAYOR BALDO ‘UTAK’ SA PAGPATAY KAY BATOCABE

MAYOR BALDO

(Ni FRANCIS ATALIA)

PINANGALANAN na ng Philippine National Police (PNP) ang mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe sa isang press conference.

Tinukoy ni PNP Chief Oscar Albayalde na nasa likod ng pagpatay ay si Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay.

Ayon kay Albayalde, pitong katao umano ang kinontrata ni Baldo at binayaran ng P5-milyon upang itumba ang nabanggit na mambabatas.

Sa isang link diagram na ipinakita sa conference, inisa-isa ang lahat ng sangkot sa pamamaslang na kung saan may dating sundalo at mga kasapi ng ng New People’s Army (NPA).

Paliwanag pa ni Albayalde, ginagamit din daw ang assassination team bilang private armed group ni Mayor Baldo.

13

Related posts

Leave a Comment