(NI DANG SAMSON-GARCIA)
BUKAS si Senador Bong Go sa pag-aalis ng ipinatutupad na Martial Law sa Mindanao.
Sinabi ni Go na hihintayin niya ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kung sadyang hindi na kailangan ang batas militar sa rehiyon.
“Kung hindi na talaga kailangan ngayon sabi ng PNP, AFP will also recommend or should have recommended already,” saad ni Go.
Makikipag-ugnayan din aniya siya sa mga awtoridad kung kailan ang takdang petsa upang alisin ang Martial Law kasabay ng pangako na makikinig sa kagustuhan ng mayorya.
“Kung hindi na talaga kailangang i-extend ang Martial Law, suportado ko ito,” dagdag ni Go.
Unang ipinatupad ang Martial Law sa gitna ng Marawi City siege noong May 23, 2017 at ilang ulit na pinalawig.
Nakatakda itong magtapos sa December 31, 2019.
Una namang sinabi ng PNP na posibleng ipatupad na lamang ang martial law sa ilang lugar sa rehiyon kaugnay sa kampanya kontra terorismo.
188