Media, advertisers, bloggers pinatutulong PUBLIKO HIKAYATING MAGPABAKUNA

UPANG makumbinsi ang sambayanang Pilipino na magpabakuna, kailangan ang tulong ng mga lehitimong media, kasama ang mga advertiser at maging ang mga social media influencers o bloggers/vloggers.

Ito ang dahilan kaya umapela si Ako Bicol party-list Rep. Aflredo Garbin sa mga nabanggit na grupo na maglaan ng oras, espasyo para tulungan ang gobyerno sa information campaign ukol sa kahalagahan ng COVID-19 vaccines.

“We appeal to the Philippine Association of National Advertisers, the Advertising Board of the Philippines, the Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas, and all the holders of current legislative broadcasting franchises to donate, allocate and prioritize at least two hours per day of their airtime to facts-based advertising airtime to help the government and business sectors educate the general public about the COVID-19 vaccines,” ani Garbin.

Ganito rin ang panawagan ng mambabatas sa Philippine Press Institute para mag-donate ng dalawang full page sa kanilang dyaryo at magazines kada linggo para sa information campaign ng gobyerno sa kahalagahan ng COVID-19 vaccines.

Hindi lingid sa lahat na maraming Pilipino ang walang planong magpabakuna dahil nauunahan ang mga ito ng takot lalo na’t maraming impormasyon na may mga namamatay matapos mabakunahan.

“We ask all the vloggers, bloggers, and socmed influencers to adhere to media core principles and practices of truth-based, factual information-sharing especially about COVID-19 vaccines and the pandemic,” ani Garbin.

Hinihingi rin ng mambabatas ang tulong ng mga cyberspace tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, Viber at Google para masugpo ang ‘disinformation” at ‘misinformation” ukol sa bakuna laban sa COVID-19.

Nais ng mambabatas na hindi lamang sa Pilipino o English isagawa ang information campaign kundi gamitin ang lahat ng mga lengguwahe, dialect, standard sign language at iba pa para kumbinsihin ang publiko na magpabakuna. (BERNARD TAGUINOD)

238

Related posts

Leave a Comment