MEDICAL CANNABIS ACT, ‘DI PAPATAYIN SA KONGRESO 

mj123

 (NI BERNARD TAGUINOD)

MANANATILING buhay ang Medical Cannabis Act sa Kongreso sa kabila ng pagkambyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggihan ang naturang batas.

Sa panayam kay Isabela Rep. Rodito Albano, sinabi nito na iginagalang nya ang desisyon ni Duterte laban sa kanyang pet bill na nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa noong Enero sa Kamara.

“We have to respect the President’s decision if he vetoes medical cannabis act,” ani Albano na nasa ikatlo at huling termino na bilang kinatawan ng unang distrito ng Isabela.

Gayunpaman, hindi pa rin naniniwala ang mambabatas na tuluyang mamatay ang nasabing panukala kahit alam ng lahat na bukod kay Duterte ay kontra din ito si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

“Yes, I pass it in the House, it’s up for the senate to pass it if they want to pass it and I think the Senate President is also against it. And if the President and Senate President is against it what are chances of this bill?  It’s up to the lobby(ist), it’s up to the parents and patients to lobby in the Senate and to the president,” ani Albano.

Ang medical marijuana ay kailangan umano ng mga pasyenteng may epilepsy, pampawi sa sclerosis at arthritis, namamagang ugat sa katawan at iba pa kaya ginawang pet bill ito ni Albano.

Kahit si dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ay inaming gumagamit ng marijuana patch sa kanyang iniindang sakit sa gulugod kapag nasa ibang bansa ito na legal ang paggamit ng medical marijuana.

Gayunpaman, hindi ito magawa ni Arroyo sa Pilipinas dahil walang batas ukol dito kaya sinuportahan nito ang nasabing panukala at isa sa mga may-akda sa House Bill  6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act na pinagtibay noong Enero 29. 2019 sa botong 163 pabor, 5 ang kumontra at 3 ang nag-abstain.

 

149

Related posts

Leave a Comment