MGA SENADOR KUNTENTO SA PAMUMUNO NI SP ZUBIRI

KUNTENTO at masaya ang ilang senador sa isang taong pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda, epektibo ang leadership style ni Zubiri at naging produktibo ang Senado nitong 1st regular session ng 19th Congress.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na isang patunay ng maayos na performance ang SWS survey kung saan nakakuha ng 68 percent net satisfaction rating ang Senado.

Binigyang diin pa ni Villanueva na ang tiwala ng taumbayan ang kanilang motivation para mas maging epektibo sa kanilang trabaho.

Kabuuang 19 na panukala na anya ang nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos na maging ganap na batas habang siyam pa ang inaasahang maisasabatas bago ang ikalawang SONA.

Sa panig naman ni Sen. Robin Padilla, sinabi nito na bagamat hindi naisulong ang kanyang economic reform bill, marami namang panukala na sa paniniwala niya ay malaki ang maitutulong sa ekonomiya ang kanilang naipasa.

Sa pagbabalik anya ng sesyon ay isusulong niya ang pagtalakay sa mga panukala para sa Mandatory ROTC, medical cannabis, divorce, minimum wage hike, death penalty, martial law, unsung heroes at FOI/fake news.

Outstanding naman ang paglalarawan ni Senator Bato dela Rosa sa unang taon ng Senado ngayong bagong administrasyon.

Wala anyang nasayang na oras at naging epektibo sa pagpapasa ng mahahalagang batas.(Dang Samson-Garcia)

143

Related posts

Leave a Comment