(NI NOEL ABUEL)
BINATIKOS ni Senador Koko Pimentel ang banta ng Manila Water Co. na ipapasa nito sa kanilang consumers ang ipinataw na multa ng Korte Suprema.
Sinabi ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel lll na hindi makatwiran na ipataw ng nasabing water concessionaire ang 780 percent increase sa water rates.
“Passing on to consumers the fines is not only unfair but also utterly baseless. Napakalaking halaga para sa ating mga kababayan ang dagdag na P26.70 per cubic meter sa kanilang water bill. Hirap na nga, papahirapan pa nila,” giit ni Pimentel.
Magugunitang noong nakalipas na Sabado nang maglabas ng pahayag ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na naayon sa pinasok nitong Manila Water’s concession agreement na ipapasa sa consumers nito ang anumang multa.
“Hindi naman pwede na ang publiko ang magbayad sa kanilang environmental violations. It must be noted that consumers already suffered from the month-long water interruption last June,” sabi ng senador.
Aniya, dapat na batid ng naturang private stock owners na ang pagnenegosyo nito sa bansa ay may kaakibat na suliranin.
“Less or no profit for them this time. Their profits are not guaranteed by their customers. They must run their businesses professionally, ethically, and lawfully,” ayon pa kay Pimentel.
306