‘NADAPA’NA; KAPALIT NI ALBAYALDE, SINASALA NI DUTERTE

DUTERTE66

(NI NOEL ABUEL)

INAMIN ni Senador Christopher Lawrence Go na nag-iingat na nang husto si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili sa susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) bilang kapalit ng nagbitiw na si Director General Oscar Albayalde.

Sa ambush interview kahapon, sinabi ni Go na pinag-iisipan at pinag-aaralan ng Pangulo ang credentials at personalidad ng susunod na PNP chief.

“Nabanggit na niya sa speech na ayaw na niya madapa o mapandol, ibig sabihin madapa,” giit nito.

Idinagdag pa ni Go na may mga pinagpipilian nang pangalan ang Pangulo kabilang na si Lt. General Archie Gamboa, na kasalukuyang officer-in-charge ng PNP at si Manila Police District Director Vicente Danao.

“Sa ngayon po meron tayong OIC ibig sabihin siya po muna ang mamamahala sa PNP because he is number 2 sa hierarchy, s’ya muna OIC pansamantala hangga’t wala pang napipili,” ayon pa kay Go.

Tinitingnan din aniya ng Pangulo kung sino ang competent at honest dahil malaking bagay aniya ito at gayundin ang seniority.

“Lahat naman po ng star rank generals ay kandidato not only Danao prerogative na ni Pangulo kung sino ang kanyang pipiliin pero most likely he will follow the seniority,” dagdag pa ng senador.

 

133

Related posts

Leave a Comment