NAKAAAWANG ESTADO NG PINOY ATHLETES IIMBESTIGAHAN

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG House Resolution ang inihain sa Kamara ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na humihiling na magsagawa ng investigation in aid of legislation sa tunay na lagay ng Pinoy athletes.

Sa House Resolution No 50 ni Barzaga, hiniling nito sa House Committee on Youth and Sports Development  na silipin ang tinawag niyang “sorry state”ng mga manlalarong Pilipino.

“The sorry plight of our national athletes still persists, despite the apparent financial support, our national athletes still plea that it is not enough or sadly becomes lost in the midst of powerplay,”pahayag ni Barzaga.

Tinukoy ni Barzaga ang kaso ni Chess Grand Master Wesley So, na nagchampion sa World Fischer Chess Championship sa ilalim ng bandila ng Amerika makaraang madismaya sa sistema ng sports sa Pilipinas.

Si So umano ay isang Pinoy, ipinanganak  sa Bacoor, Cavite at ang ina ay nagtatrabaho bilang accountant sa De La Salle Hospital sa Dasmarinas Cavite.

Sa isang panayam kay So sinabi nito na nagdesisyon syang pumasok na sa Amerika sa tulong ng isang adoptive mother  upang ipagpatuloy ang kanyang paglalaro ng chess dahil sa Pilipinas umano ay imposible na makamit nya ang tulong na kanyang hangad para mag-advance sa laro.

Nadismaya rin si So na noong 2013 ay hindi ibinigay ng gobyerno ang P1M ipinapangako nito sa mga atleta na nakakuha ng gold medal. Nauna nang nasungkit ni So ang gold medal sa World Universide Games sa Kazan, Russia.

Tinukoy din ng mambabatas ang kaso ng dalawang paralympic athletes na nagsabing hindi sila nakatanggap ng P15,000 buwanang allowance sa loob ng dalawang taon mula nang lumahok sila sa national training pool.

 

392

Related posts

Leave a Comment