ILALABAS ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng mga politikong sangkot sa illegal drugs ilang araw bago isagawa ang midterm elections sa Mayo.
Ayon sa talaan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA), umaabot na sa 83 ang politiko ang sangkot sa illegal na droga.
“Dino doble check pa ang listahan at ilalabas namin ito,” sabi ni Senior Supt. Bernard Banac, PNP spokesperson.
Minamadali naman ni Interior Secretary Eduardo Año ang paglabas ng listahan ng mga narco-politicians upang makapag-isip ang mga botante kung sino ang mga karapat-dapat sa kanilang boto.
Hindi pa rin nagbibigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalabas ng listahan.
Sinabi ni Banac na ibabase nila ang statement o matitibay na ebidensiya na magtuturo sa poitiko at pagkakasangkot nito sa illegal drugs maging sa pagkuha ng pondo sa eleksiyon mula sa droga.
“Kailangan may matibay na ebidensiya. Kailangang may nilabag sa batas at doon lamang kami magsasampa ng kaso laban sa kanila. Doon lamang naming maaaring ilabas ang pangalan ng mga taong sangkot,” sabi pa ni Banac.
115