‘NASAAN ANG HUSTISYA?’

(NI DANG SAMSON-GARCIA/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

“WHERE is justice here?”

Ito ang naging buod ng pahayag ng ina ni rape-slay victim Eileen Sarmenta na si Ma. Clara Sarmenta sa emosyunal na pagharap sa Senado kaugnay sa muntik nang pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Partikular na kinuwestyon ni Sarmenta ang sinasabing tangkang commutation kay Sanchez dahil sa ‘good behavior’ gayong namuhay na tila hari sa loob ng bilangguan ng mahigit 20 taon.

“Noong nalaman namin na ganito, sinabi ko sa asawa ko, bakit ganoon akala ko ba maximum ang sentensya nya. He has his own kubol. 2015 lang noong it was discovered so, paano siya magkakaroon ng good conduct. Where is justice here?” saad ni Sarmenta.

“Araw-araw, gabi-gabi nanginginig ako tuwing nakikita ko si Sanchez.  Nabuhay na parang hari sa bilibid when in fact dapat po dapat siya ay nagdurusa sa pagbabastos sa aking anak. Ngunit nakita ko po dun sa TV. Actually po, ‘di ko pa alam ang mga nangyayaring ganyan kasi po nung 1993, my world stops. Hindi ako nanonood ng TV, ‘di ako nakikinig ng radyo. Parang nawala ang 1993 sa buhay ko. I seek professional help to carry my life as a normal person,” dagdag pa nito.

Bukod sa pagsasabing hindi sila nasabihan sa posibleng paglaya ni Sanchez, halos hindi na nakapagsalita ang ina ni Allan Gomez na si Iluminada Gomez nang mangibabaw ang emosyon nito at sumakit ang dibdib kaya’t dinala sa Senate Clinic bago isinugod sa Manila Adventist Medical Center.

 

113

Related posts

Leave a Comment