NATIONAL BUDGET LUMUSOT NA

Pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang 2019 national budget na 3.757 Trillion sa Mababang Kapulungan ng Kon-greso, isang araw matapos pagdudahan ng Senado ang mabagal na pag-apruba ng mga Congressman sa nasabing pondo.

Sa botong, 196 pabor at 8 tutol,  tuluyan  nang lumusot ang national budget na pinaghihinalaan ni Sen. Panfilo Lacson na sinisingitan ng pork barrel kaya nade-delay ang pagpapatibay dito ng Kamara.

Sa press conference ni House majority leader Rolando Andaya Jr., bago pagtibayin ang national budget, inamin nito na isa sa mga dahilan kung bakit hindi agad naipasa ang national budget ay dahil sa kabi-kabilang request mula sa ehekuti-bo lalo na si Pangulong Rodrigo Duterte na pondohan ang kanilang mga proyekto.

“We are shifting to a cash-based budgeting. It is something new. Hanggang ngayon hindi pa nga clear sa mga members ng Cabinet so we were swamped by a very unusual number of requests coming from the Executive, even coming from the President himself,” ani Andaya.

Sinabi ng mambabatas na maraming proyekto na gusto ni Duterte na pondohan tulad ng mga kalsada sa iba’t ibang lu-gar na kanyang napupuntahan sa pag-iikot sa bansa.

Maliban dito, humingi din umano si Duterte ng P2 billion para sa housing projects ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaya naghanap umano ang mga ito ng pondo sa proposed budget para pondohan ito.

Hinahanapan  din umano ng pondo ang plebesito sa Bangsamoro Basic Law sa Enero kaya hindi agad umano naipasa sa plenaryo ang national budget at itinanggi na nagsisingit ang mga kongresista ng pondo para sa kanilang pet projects.

“Everything is itemized. We are now at the budget authorization stage. Iyong bola po nasa kongreso ngayon to determine kung ano iyong magiging budget. It is but right that we make amendments,” wika pa ni Andaya. BERNARD TAGUINOD

5

Related posts

Leave a Comment