PANGAKO NG CHINA SA PINAS, KINUWESTYON

Bagama’t noong 2016 pa nangako ang China na pauutangin si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang Build-Build-Build Program ay wala pang natutupad gayung nangangalahati na ito sa kanyang termino.

Ito ang nabatid kay Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa press conference kahapon kaugnay ng pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa.

“Kulang pa ba ang pagsisipsip ni President Duterte kay Xi Jinping at bakit hanggang ngayon ay bakit hindi pa nako-consumate yung pangako, etong mga pledges na gustong ibigay ng China sa atin,” ani Alejano.

Sinabi ng mambabatas na napakarami ang pangakong proyekto na popondohan umano ng China subalit isa pa lamang dito ang napipirmahan at ito ay ang dam project sa Chico River sa Cagayan Valley.

Nagkakahalaga umano ito ng P4 Billion kung saan P1 Billion ang counterpart ng Pilipinas sa nasabing proyekto subalit hanggang ngayon ay hindi pa dumarating ang P3 Billion ng China.

Ginagawa na umano ang proyekto at ang pondong ginagamit ng gobyerno ay P1 Billion na counterpart fund ng Pilipinas.

“All other loan agreement na nakahain sa pipeline. So etong pagdating ni Jinping, ano itong mga kasunduan o loan agreement na pipirmahan between Philippines. But so far, not much Yuan have been landed in the Philippines,” ani Alejano.

15

Related posts

Leave a Comment