(Ni DANG SAMSON-GARCIA)
INIREKOMENDA ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang pagbuo ng National Transportation Safety Board (NTSB) na mag-iimbestiga sa lahat ng transportation accidents, tutukoy sa pag-sunod sa safety standards, at paggawa ng mga pag-aaral para sa safety at improvement.
Sa kanyang Committee Report No. 8, iginiit ni Poe ang pangangailangan ng isang ahensya na nakatutok sa im-bestigasyon sa mga aksidente.
“Transportation mishaps exact an appalling toll in terms of death, injuries, medical costs and damaged proper-ties. Behind these are the social costs of grief and sufferings of the victims and their families that are hard to quantify,” diin ni Poe.
Gagamitin anya ang findings ng board sa assessment ng mga nakaugalian nang proseso at regulasyon ng go-byerno hinggil sa safety measures.
“The body will determine what can be done to improve regulations, training or certain aspects of the vehicle or the environment to prevent future accidents,” diin ni Poe.
“The NTSB can save lives that should not be lost in the first place. It can avoid preventable accidents. It can avert injuries. It can keep properties intact. The NTSB is our road to safety,” dagdag pa ng ahensya.
Magsasagawa ang NTSB ng independent investigations sa air, highway, railroad, pipeline at maritime accidents bagama’t magsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang ibang ahensya.
Isusumite ang resulta ng imbestigasyon ng board sa Kongreso sa loob ng 60 araw.
Maglalaan din ng P50 milyong pondo para sa operasyon ng board.
“It should be the go-to body for conducting accurate, thorough and independent investigations and for produc-ing timely and well-considered recommendations to improve transportation safety,” giit ni Poe.
Sa rekomendasyon, pito ang magiging miyembro ng board na pamumunuan ng chairperson na may ranggong department secretary at may terminong limang taon.
Magkakaroon din ito ng executive director na mamamahala sa day-to-day operations.
120