NEXT TIME THE SUN RISES, THE UNIVERSE WILL BE UPON US – CATRIONA GRAY

catriona

ILANG oras bago idaos ang pinakaprestihiyosong beauty pageant sa buong mundo, humingi ng dasal at pampalakas-loob si Philippine bet Catriona Gray sa libu-libong supporters para maiuwi ang korona.

Sa kanyang Instagram account, suot ang yellow bikini top at yellow sheer skirt habang nasa likod ang sumisikat na araw, nag post si Catriona ng “Next time the sun rises, the Universe will be upon us” sa pag-asam na masungkit ang korona ng Ms. Universe na gaganapin sa Bangkok, Thailand.

“Less than 24 hours to go to @missuniverse! Keep sending me prayers mga kababayan!” sabi ni Catriona sa Instagram post.

Nakuha ni Catriona ang atensiyon ng mundo, maging ni American top model Tyra Banks, sa kanyang ‘lava walk’ at ‘slow-mo twirl’ sa preliminary rounds ng pageant.

4

Related posts

Leave a Comment