MALABO umanong mangyari ang hinala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ‘no election (no-el)’ scenario.
Ito dahil umano sa hindi pa napagkakasunduan bersiyon ng pederalismo sa Kamara na posibleng mauwi sa hindi pagkakaroon ng eleksiyon sa susunod na termino.
Gayon man, nilinaw ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na walang nakikitang ugnayan sa estado ng pederalismo sa Kongreso sa pangamba ng CBCP kaugnay sa mid-term elections.
Nauna nang nagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng pagtiyak na magiging malinis, maayos ang kapani-paniwala ang darating na halalan. Tapos na sa lebel ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasapinal ng listahan ng mga kandidato sa senatorial elections at walang dahilan para hindi ito maipatupad.
297