LUNGGA NG BIFF MULING BINOMBA

air

MULING naglunsad ng air strike ang militar laban sa pro-Islamic State (IS) rebels sa Maguindanao kasunod na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pulbusin ang mga kuta at ubusin ang mga teroristang nanggugulo sa Mindanao.

Tinarget ang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa liblib na lugar sa Sutan sa Barongis town kung saan ayon kay Major Arvin Encinas, spokesperson ng 6th Division ng Army ay naghulog ang dalawang OV-10 planes ng walong tig-250 pounds na bomba.

Kinumpirma ito ng mga residente sa kalapit na Pigcauayn town sa North Cotabato at sinabing nakita nilang dalawang FA-50 jets ang naghulog ng bomba, Sabado ng umaga.

Naniniwala si Encinas na natumbok nila ang lungga ng mga kalaban at naghihintay ng report mula sa ground troops. Nakakuha rin ng report na hindi bababa sa 50 foreign terrorist ang nakapasok na naturang lugar at tumutulong sa operasyon.

“Katulong sila (foreign terrorist) sa likod ng mga serye ng pambobomba sa rehiyon,” ayon sa Army.

170

Related posts

Leave a Comment