NURSES, GURO MAKIKINABANG SA DAGDAG-SAHOD

(NI NOEL ABUEL)

AABOT sa  79 porsiyento ng kabuuang government employees, kabilang ang mga guro at nurses ang makikinabang sa Salary Standardization Law of 2019, na isinusulong ng mga senador na maaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagkakaisa ang karamihan ng mga senador na suportahan ang Senate Bill 1219 na nakapaloob sa Committee Report No. 26, ng Salary Standardization Law of 2019.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ang salary adjustment ay ibibigay sa apat na bahagi na magsisimula sa Enero 2020 kasabay ng implementasyon nito na katumbas ng dagdag sa basic salaries na 23.24 porsiyento sa 2023.

“Lahat ng empleyado na may mababang antas ng sahod ay hindi kumikita ng sapat para matustusan ang pangangailangan nila at ng kanilang pamilya. Gusto po naming siguruhin na maipatupad ang batas na ipapasa natin at maibibigay sa ating mga kawani ang inaasahan nilang pagtaas ng suweldo,” ayon kay Senador Bong Revilla Jr., may akda ng nasabing panukala.

Magbebenepisyo aniya sa SSL ang nasa 1.4 milyong  government employees, partikular ang mga nasa ilalim ng Salary Grade 11 ay magiging Salary Grade 19.

Sinabi naman ni Senador Christopher Lawrence Go, sa oras na maging batas ang SSL, ang minimum basic salary ng pinakamababang posisyon sa pamahalaan mula sa P11,068 at magiging P13,000 para makasabay umano sa  minimum wage sa National Capital Region.

“For one, SSL 5 will give public school teachers with salaries that are higher than the private sector by around 65 to 87%. This will not only give our public school teachers with proper compensation for the difficult task of molding our future generations, it will also make a career in public teaching more attractive and competitive than the private sector,” ani Go.

 

188

Related posts

Leave a Comment