(NI BERNARD TAGUINOD)
PINAG-IINGAT sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga overseas Filipino workers (OFWs), lalo na ang mga kababaihan, na mag-ingat sa mga dating sites upang hindi mapahamak ang mga ito.
Ginawa ni House deputy minority leader John Bertiz ang babala matapos lumabas na ang serial killer sa Cyprus na pumatay sa tatlong Filipina at isang bata ay gumagamit ng dating sites kaya nakikilala niya ang kanyang mga biktima.
“There is a dark side to chat and dating sites. The ugly truth is that human traffickers as well as sexual predators also prowl these sites to stalk potential victims,” pahayag ni Bertiz.
Karaniwang gumagamit, aniya, ng bogus profiles ang mga human traffickers at sex predators at nakikipagkaibigan sa mga babaing target nilang biktimahin kaya kailangan umano ang ibayong pag-iingat ng ating mga kababayan na nasa ibang bansa lalo na ang mga kababaihan.
“It is not unusual for these monsters to lure targets with promises of a better life, including higher-paying job prospects,” ayon pa mambabatas.
Magugunita na natagpuan ang bangkay ng mga biktima sina Mary Rose Tiburcio, 38; Arian Palanas Lozano, 28; at Maricar Valdez Arquiola, 30, matapos ang halos isang taong pagkawala sa Cyprus.
Kasama sa mga nawawala ang anim na taong gulang anak na babae ni Tuburcio na si Graze Seucalliuc, na anak nito sa kanyang Romanian boyfriend.
“It can be lonely when you are working and living alone in a foreign country, away from your family and friends,” ani Bertiz subalit hindi aniya dapat maging dahilan ito para mabiktima ang mga ito ng mga human traffickers at sex predators.
160