‘ONE MORE CHANCE’ SA 7 OVP OFFICIALS

BINIGYAN ng isa pang pagkakataon ang pitong opisyales sa Office of the Vice President (OVP) na dumalo sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability sa umano’y mismanagement sa confidential and intelligence funds ni Vice President Sara Duterte.

Sa ikaapat na pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua, inirekomenda ni Abang Lingkod Joseph Stephen Paduano na muling padalhan ng imbitasyon ang mga tauhan ni Duterte bilang pagsunod sa 3-day rule o kailangang matanggap ng mga resource persons ang invitation tatlong araw bago ang pagdinig.

Kabilang sa mga opisyales na ito sina OVP Chief of Staff Zuleika Lopez; Assistant Chief of Staff and Bids and Awards Committee Chair Lemuel Ortonio; Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez; Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta, Chief Accountant Julieta Villadelrey at sina dating Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda at SDO Edward Fajarda na ngayon ay nagtatrabaho na umano sa OVP.

Ginawa ni Paduano ang pahayag bilang bahagi ng position paper ng mga ito na hindi sila makadalo sa pagdinig dahil sa umiiral na 3-day rule, walang malinaw na panukalang batas para sa nasabing imbestigasyon at may kaso na sa Korte Suprema hinggil sa kinukuwestiyon CIF.

“Mr. Chair, according to the Committee Secretary, these people have been invited four times but they fail to attend. I’m so glad for the kindness of Congressman Paduano in inviting them again for the fifth time. Now Mr. Chair if the will not come in the fifth time then I might make a motion to hold them in contempt,” ayon naman kay Manila Rep. Bienvenido Abante Jr.

Itinuturing ni Abante na pang-iinsulto sa Kongreso ang patuloy na pagbabalewala ng mga nabanggit na opisyales subalit iginiit ni Paduano na bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang mga ito.

Kinatigan naman ni Chua si Paduana kaya inatasan nito ang secretary na muling padalhan ng subpoena ang mga nabanggit para dumalo sa ika-limang pagdinig ng komite.

“With stern warning that if they fail to attend we will be constrain to issue a much heavier penalty,” dagdag pa ni Chua habang umapela naman si Deputy Speaker David Suarez sa mga nabanggit na opisyal na dumalo sa susunod na pagdinig para ipaliwanag kung paano ginamit ang CIF ni Duterte sa OVP at DepEd.

“I just want to manifest Mr. Chair na napakabait ng committee on good government for giving them for the fifth time to attend. Sana naman po ay hindi na kami ipahiya dito sapagkat para bang nararamdaman ko na umiiwas sila na tanungin kung paano ginamit ang pondo ng ating pamahalaan,” ayon pa kay Abante.

Nang tanungin ng kung nasa bansa pa ang mga nabanggit na opisyales, kinumpirma ng committee secretariate na base sa record na ipinadala ng Bureau of Immigration (BI), tanging si Lopez ang umalis ng bansa noong Lunes na gabi at sumakay sa flight PR 102 patungong Los Angeles.

Samantala, kinumpirma naman ni Atty. Michael Poa na hindi na ito konektado kay Duterte mahigit isang buwan na ang nakakaraan.

Si Poa ay dating USec ng DepEd at Chief of Staff ni Duterte sa DepEd habang nagsilbi naman itong spokesperson sa OVP subalit terminate o tapos na umano ang kanyang consultancy contract sa tanggapan ng pangalawang pangulo. (BERNARD TAGUINOD)

36

Related posts

Leave a Comment