P100-M BAWAT KONGRESISTA; MAKABAYAN BLOC ‘NABUKULAN’

(NI ABBY MENDOZA)

NANINDIGAN ang Makabayan Bloc na malinaw na pork barrel pa rin na binago lang ang termino ang P100M alokasyong ibibigay sa bawat mambabatas sa ilalim ng 2020 national budget.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate,  taliwas sa pahayag ng House Leadership na lahat ng mambabatas ay tatanggap ng tig P100M alokasyo ay hindi kasama rito ang kanilang hanay.

“Bayan Muna and Makabayan bloc representatives did not avail or partake of any so-called P100 million allocation per House member for itemized projects to be included in the 2020 national budget,” paliwanag ni Zarate.

Anim na mambabatas ang miyembro ng Makabayan Bloc, 3 mula sa Bayan Muna, habang tig iisa sa Garbiela, Kabatan Partylist at ACT Teachers.

Ani Zarate kahit ano pa mang gawing paliwanag ng House Leadership na ang alokasyon ay hindi pork barrel ay wala pa rin itong pinagkaiba,illegal pa rin itong maituturing.

“Even if it is argued that it is not contrary to the 2013 Supreme Court decision outlawing lump sum allocation and post enactment intervention of congress members, this 2020 congressional entitlement is still part of the pervasive patronage system that unfortunately marks our budget process,” paliwanag ni Zarate.

Para labanan ang katiwalian at maging tunay na independent ang Kamara ay kailangang buwagin na ang pork barrel system kahit ano pang technical definition o termino ang palabasin.

“Pork barrel pa rin ang itemized allotments basta’t nakikialam ang mga kongresista sa implementasyon tulad ng pagpili ng mga benipisiyaryo at contractor,” giit nito.

Una nang inamin ni Albay Rep. Joey Salceda na tatanggap ng P100M ang mga mambabatas sa ilalim ny P4.1T 2020 budget, P70M ay mapupunta sa infrastructure projects habang P30 million ay sa soft projects gaya ng medical assistance.

Ang mga mambabatas umano ang humiling dito sa Executive Branch na syang naghanda ng budget.

Nanindigan ito na hindi pork ang nasabing pondo, kailangan umano ang ganitong projects lalo at may mga programa sa bawat distrito na kailangang pondohan.

Depensa nito, pork-free ang 2020 national budget.

 

158

Related posts

Leave a Comment