(NI BERNARD TAGUINOD)
BAGAMA’T hindi pa napipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglaan na ang Kongreso ng P520 milyon para sa itatatag na National Commission on Senior Citizen na tututok sa lahat ng pangangailangan ng mga matatanda.
Ito ang kinumpirma ni Senior Citizen party-list Rep. Francisco Dator dahil kasama sa nasabing halaga sa 2019 national budget na ipinasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Dahil dito, hiniling ni Datol sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na simulan na ang paghahanda para sa itatatag na ahensya ngayon pa lamang upang agad na maipatupad ito sa sandaling lagdaan ni Duterte ang nasabing panukala.
“Most probably, by the third or fourth quarter of this year, the seniors’ commission would be operational. The search for appointees to the commission can begin now,” ani Datol, vice chair ng House Senior Citizens committee.
Sa ilalim ng nasabing panukala, ang komisyon na ang tututok at mag-iimplementa sa lahat ng mga pangangaillangan ng mga senior citizens sa bansa na ngayon ay higit 10 milyon ang populasyon.
Ililipat na sa komisyon ang trabaho ng DSWD tulad ng pagbibigay ng pensyoat iba pang benepisyo sa mga senior citizens at para maayos na maipatupad ang kanilang trabaho ay magkakaroon ng 6 na Commissioner.
“This commission is an opportunity to show that seniors still have some of the best years of their lives ahead of them. That they can serve in the commission and urgently take action on their constituents’ concerns,” anang mambabatas.
200