P6.8-B KAILANGAN NG LTO SA PAGTUGON SA BACKLOG NG PLAKA

TINATAYANG aabot sa P6.8 bilyong piso ang kailangang pondo ng Land Transportation Office (LTO) para matugunan ang usapin sa isyu ng kakulangan sa plaka.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTO OIC Atty. Romeo Vera Cruz na malaki ang kanilang backlog lalo na sa motorsiklo.

Aniya, tanging Kongreso ang makapagbibigay sa kanila ng kailangang funding.

Tinuran pa ni Vera Cruz, kung tutuusin ay wala namang problema sa produksiyon ng plaka dahil mayroon aniya silang modern plate making plant.

May dalawang robot din aniya silang ginagamit para sa pagpo-produce ng motorcycle plate at isa pa para sa wheel drive kaya’t walang problema sa backlog, ani Vera Cruz, basta’t naririyan lang ang pondo. (CHRISTIAN DALE)

165

Related posts

Leave a Comment