P900-M GRAFT CASE NI ANDAYA KINATIGAN NG SANDIGAN

sandigan12

(NI TERESA TAVARES)

IBINASURA ng Sandiganbayan ang inihirit ni Camarines Sur 1st District Representative Rolando Andaya Jr. na mapawalang-bisa ang halos 200 kasong kriminal na nakasampa laban sa kanya kaugnay sa P900-million Malampaya fund scam.

Sa 28-pahinang resolusyon ng anti-graft court Third Division, hindi tinangap ang motion to quash ni Andaya dahil hindi umano magiging patas sa prosekusyon.

Iginiit ng korte na mas makakabuti na idaan sa paglilitis upang marinig ng korte ang mga argumento at allegasyon ng magkabilang panig.

Una nang inihayag ni Andaya sa kanyang mosyon na depektibo ang mga kasong graft at malversation through falsification dahil hindi naman naipakita kung ano ang partisipasyon niya sa naturang scam.

Iginiit ni Andaya na ang kaniyang pag-apruba sa   special allotment and release order at notices of cash allocation na nagkakahalaga ng P900 million para sa  relief operations at rehabilitation ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009 hanggang 2010, ay bahagi lamang ng kanyang tungkulin bilang kalihim ng Budget and Management.

Pawang allegasyon lamang aniya ang usapin na nakipagsabwatan siya.

10

Related posts

Leave a Comment