PAG-AMYENDA SA P4.1-T 2020 BUDGET PORMAL NANG HINILING

(NI NOEL ABUEL)

PORMAL nang inihain ni Senador Panfilo Lacson ang kahilingan nito na amiyendahan ang P4.1 trillion national budget para sa 2020 bago pa ito tuluyang maipasa.

Sa kanyang liham na ipinadala kay Senador Sonny Angara, chair ng Senate Committee on Finance, inisa-isa ni Lacson, vice chair din ng nasabing komite, tinukoy nito na nais dagdagan ng pondo ang programa ng pamahalaan, partikular ang national ID, Universal Health Program, at free tuition.

Samantalang, nais naman nitong bawasan ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Department of Transportation (DoTr).

Aniya, nais nitong dagdagan ang pondo ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa implementasyon ng National ID system kung saan mula sa P1.364B ay gagawin itong P7.009B o dagdag na P5.645B.

Habang dapat din aniyang dagdagan ang pondo ng Department of Agriculture (DA) para magamit sa Agripreneurship Program kung saan nangangailangan ito ng dagdag na P500 milyon; at ang National Soil Health Program na nangangailangan ng dagdag na P500 milyon.

Inisa-isa rin ni Lacson ang Department of Education (DepEd) para sa School-based Feeding Program na nangangailangan ng dagdag na P1 bilyon o mula sa P5.9745 bilyon ay magiging P6.9475 bilyon; Quick Response Fund na mga dagdag na P2 bilyon para maging P4 bilyon ang pondo nito na manggagaling sa Basic Education Facilities; Last Mile Schools Program na may dagdag na P12 bilyon para para maging P14.5 bilyon ang pondo nito.

Gayundin ang State Universities and Colleges ay dapat na may dagdag na P537.991 bilyon para sa UPLB’s National Institute of Molecular Biology and Biotechnology; ang Higher Education (CHED) na may dagdag na P2 bilyon para sa Universal Access to Quality Tertiary Education o mula sa P43.88 bilyon ay gagawing P45.88 bilyon.

Ilan pa sa nais padagdagan ng pondo ni Lacson ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Health (DOH); Department of Information and Communications Technology: National Telecommunications Commission (NTC); Department of Defense (DND); Department of Science and Technology: Philippine Coast Guard; Dangerous Drug Board (DDB), at. Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

159

Related posts

Leave a Comment