PAG-ANGAT NG EKONOMIYA ‘DI RAMDAM NG PINOY

mili1

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T good news ang pagbaba ng inflation rate sa 4.4% noong Enero mula sa 5.2% noong Disyembre 2018, hindi pa rin masaya ang oposisyon sa Kamara dahil hindi ito ramdam ng mga consumers sa presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus, nananatiling mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at maging ang pamasahe at serbisyo publiko kaya walang dapat ipagmalaki dito ang mga economic managers ng gobyerno,

“It should not be mistaken for lower prices, as prices of food, fuel and transportation remain high. The inflation slowdown is not even enough to relieve consumers from last year’s price shock mainly caused by the implementation by TRAIN  (Tax Reform Acceleration and Inclusion) Law,” ani De Jesus.

Kung namalengke lamang umano ang mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Durerte, malalaman ng mga ito na bahagya lamang ang ibinaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang pagkain noong nakaraang buwan.

Huling naitala ang pinakamataas na inflation rate noong Setyembre at Oktubre ng nakaraang taon kung saan umabot ito sa 6.7% na pinakamataas sa loob ng nakaraang halos isang dekada.

Maging si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ay hindi kontento sa 4.4% na inflation rate na naitala noong Enero 2018 dahil mas mataas pa rin aniya ito sa 4% na ipinangako ng gobyerno kahti ipatupad ang TRAIN Law.

“At mas mataas pa rin iyan sa 2.9% na inflation rate (December 2017) bago ipatupad ang first tranche ng TRAIN law (noong Enero 1, 2018),” ayon pa sa Kongresista.

Tulad ni De Jesus, nangangamba ang mambabatas na pansamantala lang ang 4.4% na inflation rate dahil umeepekto pa lamang ang second tranche ng TRAIN Law na ipiantupad noong Enero 1, 2019.

Dahil dito, sinabi ng mambabatas na magiging masaya lamang ang mga consumers kung tuluyang bawiin ng gobyernong Duterte ang TRAIN law dahil ito aniya ang nagpahirap sa mamamayan noong 2018.

 

 

143

Related posts

Leave a Comment