REP. GARCIA ‘DI PWEDENG UMALIS NG PINAS

GARCIA100

(NI TERESA TAVARES)

PINAGTIBAY ng Supreme Court ang kautusan ng Sandiganbayan na nagbabawal kay Cebu Representative Gwendolyn Garcia na makalabas ng bansa.Sa desisyon ng SC Second Division, ibinasura ang petisyon ni Garcia na kumukuwestyon sa hold departure orders (HDO) na inilabas ng Sandiganbayan laban sa kaniya bunsod ng kinakaharap na kasong graft at technical malversation hinggil sa maanomalyang pagbili ng 25 hektaryang lote sa Naga, Cebu nang siya ay gobernador pa.

Kumbinsido ang SC na walang merito ang argumento ni Garcia na hindi balido ang mga HDO laban sa kaniya dahil inisyu ang mga ito bago pa man siya gumawa ng lahat ng legal na paraan.

Patuloy na dinidinig ng Sandiganbayan ang kaso hinggil sa maanomalyang pagbili umano ni Garcia ng 25 hektaryang lote sa Tiga-an, Naga, Cebu noong siya ay gobernador para sa human settlement at seaport project. Gayunman nadiskubre sa land survey na 19.67 hektarya ng naturang property ay lubog sa tubig at hindi mapapakinabangan.

Inihayag din ng SC na hindi umabuso sa tungkulin ang Sandiganbayan nang ibasura nito ang apela ni Garcia na alisin ang travel ban laban sa kaniya.

 

168

Related posts

Leave a Comment