PAGBABALIK-ESKWELA NG MGA BAKWIT TINIYAK

deped25

MAKAPAGPAPATULOY sa pag-aaral ang mahigit 30,000 estudyante mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) na direktang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ito ang pagtiyak ni Department of Education (DepEd) Disaster Response director-in-charge Roni Co sa isang radio interview, kahit pa aniya nasa mga evacuation center sa ngayon ang kanilang mga pamilya.

Sa kasalukuyan, ayon sa DepEd, nasa 10,169 mula sa tinatayang mahigit 30,000 inilikas na estudyante ang nananatili sa 258 na mga paaralan sa buong Calabarzon na pansamantalang ginagamit na mga evacuation center.

Ayon kay Co, napilitan namang magkansela ng kanilang klase ang  78 na paaralan na sakop ng 14-kilometer radius danger zone dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Apektado rin ang 1,065  mga personnel ng DepEd na hindi nakapapasok dahil sarado ang kanilang mga paaralan, at hindi pa matukoy ng kagawaran ang estado dahil sarado pa sa publiko ang mga lugar na kinaroroonan ng mga nabanggit na gusali.

“May isinasagawang arrangement ang ating Region IV-A director, si Dr. Wilfredo Cabral, na school used as evacuation center man ‘yun o evacuation center ng  Local Government Unit ay magkakaroon talaga ng education continuity,” pahayag ani Co.

Anomang oras, ayon kay Co ay pwede nang simulan ang naturang arrangement matapos mapagkasunduan ito nina DepEd Secretary Leonor Briones at undersecretaries nito, kasama ang heads of schools at divisions sa Calabarzon.

Nagtalaga na rin ang DepEd ng mga guro na handang magturo sa mga estudyante kahit pa apektado ng Taal Volcano.

EVACUATION SITES

Kaugnay nito, hinimok ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga State University and Collleges (SUCs) sa Cavite, Laguna at Batangas na gawing temporary evacuation sites ang kanilang mga open space para sa evacuees ng Taal Volcano.

Ginawa ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang panawagan upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga elementary at high school students sa Batangas at Cavite dahil ginawang evacuation center ang kanilang paaralan.

“State universities can decide on their own to allow the use of their open spaces as transient evacuation centers – if necessary and where feasible – while government is finding ways to establish more suitable settlements for dislocated residents,” ani Defensor .

Ayon kay Defensor, mayroong dalawang main campus ang Batangas State University bukod sa 2 sattelite at 6 extension campuses sa buong probinsya habang ang Cavite State University ay may 12 campus at apat naman sa Laguna State Polytechnic University at marami pang auxillary sites. NICK ECHAVARRIA, BERNARD TAGUINOD

163

Related posts

Leave a Comment