(NI BERNARD TAGUINOD)
SINUPORTAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala sa Commission on Election (Comelec) na isama ang mga talunang nominees ng mga party-list group, sa pagbabawalan ma-appoint sa gobyerno sa loob ng isang taon pagkatapos ng halalan.
Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, pinag-aaralan na nila ang paghahain ng panukala para hindi na maulit ang kaso ni Mocha Uson na inaappoint sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kahit talunan ang kaniyang partidong AAKasyoso party-list noong Mayo.
“We will support the proposals to ban losing party-list nominees from being appointed to government office for a period of one year,” ani Brosas.
Si Uson ay first nominee ng nasabing party-list group subalit nabigo ang mga ito na nakakuha ng sapat na boto kaya hindi nakaupo ang kontobersyal na opisyal na dating lider ng Mocha girls at Undersecretary ng Presidential Communication Operation Office (PCOO).
Wala pang limang buwan pagkatapos ng eleksyon ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Uson sa OWWA na pinalagan ng mamamayan.
“This is obviously imprudent and utterly lacking in delicadeza,” ani Brosas sa appointment ni Uson na kasama agad sa official visit ni Duterte sa Russia.
Ayon sa mambabatas, hindi lamang ang mga first nonimees kundi ang second at third nominees ang kailangang iban sa gobyerno sa loob ng isang taon kapag natalo ang kanilang partido.
217