ARMAS ISINUKO NI MAYOR BALDO

baldo

ISINUKO ni Mayor Carlwyn Baldo, ng Daraga, Albay, ang tatlo sa apat na baril, ayon kay PNP chief Director Oscar Albayalde Biyernes ng hapon.  Sa press conference, sinabi ni Albayalde na isang 12 gauge shotgun at dalawang .45 cal pistol ang isinauli ni Baldo sa Albay Provincial Police Office.

Hindi naman naisuko ang isang Elisco 5.56 rifle, na ayon sa mayor ay nawawala.

Kahapon ay iniutos na ni Albayalde ang kanselasyon ng gun permit ni Baldo matapos itong iturong utak sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe at police escort na si SPO2 Orlando Diaz.

Hiniling na rin ni Albayalde sa National Police Commission na kanselahin ang pagtatalaga ni Baldo sa local police at municipality ng Daraga kasabay ng hiling sa DoJ na ilagay sa hold departure order ang alkalde.

6

Related posts

Leave a Comment