(Ni LILIBETH JULIAN)
Mahigpit na pinakikilos ng Malacanang ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa apat na lugar sa bansa na kinumpirmang may mataas na insidente ng karahasan at banta ng terorismo.
Ito ay matapos na pinal na lagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Order No. 32, na nag-aatas sa PNP at AFP na paigtingin ang kanilang puwersa
para labanan ang lahat ng anumang uri ng karahasan sa mga lalawigan ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol region.
Nakapaloob sa inilabas na Memorandum Order, pinakikilos ang intelligence operation ng PNP at AFP laban sa mga grupo o indibidwal na pasimuno sa paghahasik ng anumang uri ng karahasan sa nabanggit na mga lugar.
Kaakibat din sa kautusan na bigyan ng sapat na suporta ng mga lokal na pamahalaan ang PNP at AFP para mapalakas pa nang todo ang kampanya laban sa karahasan at terorismo.
Dito, tiniyak ng Malacanang na ipatutupad sa tamang proseso ang warrantless arrest kung kinakailangan at iba pang hakbangin gaya ng searches at checkpoint operation.
“The salient provisions of MO No. 32 are herein reinforced and reiterated. Further, the Department of National De-fense (DND) and the Department of the Interior and Local Government (DILG) shall coordinate the immediate deploy-ment of additional forces of the AFP and PNP to suppress lawless violence and acts of terror in the provinces of Samar, Negros Oriental, Negros Occidental, and the Bicol Region, and prevent such violence from spreading and escalating elsewhere in the country,” bahagi ng Memo ni Medialdea.
167