PAGPALYA NG 6 NA POWER PLANTS, SINADYA?

powerplant12

(NI MAC CABREROS)

AALAMIN  ng Electric Power Industry Management Bureau at Philippine Competition Commission kung sinadya o hindi ang biglang pagpalya ng mga planta ng mga power producers.

Kasabay ito ng pananatiling nasa red alert ang supply ng kuryente sa Luzon Grid, inihayag ng Department of Energy, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Mr. Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau, inaasahang hihigpit ang produksyon dahil sa pagpalya ng anim na power plant.

“Hindi lang po talaga natin inaasahan na magkaroon ng unplanned na pagpalya ng mga planta,” pahayag Marasigan.

Aniya, karaniwang numinipis ang supply bunsod ng pagtaas ng demand kapag summer season.
Bagama’t ganito, sinabi Marasigan na pursigido sila kasama ang Philippine Competition Commission na alamin kung sinadya o hindi ang biglang pagpalya ng planta ng mga power producers.

“Ayaw nating sabihin na merong hindi magandang hangarin ang ating participants sa electric power industry kaya ipinatawag natin ang operator pati ang mga opisyales ng mga planta na naka-outage para
malaman natin ang katotohanan,” wika pa Marasigan.

Inihayag naman Mr. Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Manila Electric Company, na sadyang hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng brownout sa kanilang franchise area kapag numinipis ang produksyon sa Luzon Grid.
“Distributor po kami. Kung ano lang ang papasok na kuryente ay iyon lamang ang aming maibibigay sa mga consumer,”wika Zaldarriaga.

Nakaranas ng rotational brownout ang ilang bahagi ng Metro Manila at iba pang lugar na sakop ng Meralco, Huwebes ng hapon.

Wala namang problema sa supply ng kuryente sa Visayas at Mindanao, dagdag pa ni Marasigan.

204

Related posts

Leave a Comment