PAGPAPALAWIG NG MARTIAL LAW PAPASA AGAD SA KONGRESO

MARTIAL LAW-2

(Ni ABBY MENDOZA)

Tiniyak ni House Majority Leader Rolando Andaya na hindi mahihirapan si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao kung siya mismo ang hihiling nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ngunit, mas mapapabilis ang pagpayag ng mga kongresista sa extention ng batas-militar kung titiyakin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na igagalang nila ang constitutional rights ng mamamayan ng Mindanao habang ipinatutupad ang batas-militar, banggit ni Andaya.

Kapansin-pansin na simula nang isailalim ang Mindanao sa martial law dahil sa napakalalang terorismo ng mga armadong grupo ay wala pang naibabalita sa media na talamak at laganap ang paglabag ng mga kasapi ng AFP at PNP.

5

Related posts

Leave a Comment