PALASYO ‘HUGAS-KAMAY’ SA PETISYON NG OSG VS ABS-CBN

spokesperson Panelo-ABS-CBN

MISTULANG naghugas-kamay ang Malakanyang nang itangging may basbas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakatakdang paghahain umano ng petisyon ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na naglalayong hilingin na bawiin ang legislative franchise ng ABS-CBN media network.

Ang katwiran ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, trabaho ng SolGen ang ganitong mga usapin.

Sa ngayon ani Sec. Panelo ay hindi pa niya nakikita ang draft ng petisyon kung mayroon man.

Hindi naman naniniwala si Sec. Panelo na may koneksyon ang paggalaw na ito ng Solgen sa mga naunang pahayag ni Pangulong Duterte na magsasara na ang ABS-CBN.

Ang tungkulin aniya ng SolGen ay maghain ng kaukulang petisyon kapag nakita o naramdaman nito na mayroong transgression of franchises sa kahit na anong batas.

Matatandaang ipinahayag ni Pangulong Duterte noong Disyembre 3 ng nakaraang taon na hindi niya papayagan na ma-renew ang prangkisa ng Kapamilya network na nakatakdang mag-expire sa Marso 30, 2020. (CHRISTIAN  DALE)

147

Related posts

Leave a Comment