NAGLABAS na din ng statement, Lunes ng umaga , ang Malacanang at suportado ang imbestigasyon sa mga nawawalang passport data kasabay ng pagsabing seryoso at hindi dapat balewalain ang insidente.
Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na itinalaga na ang National Privacy Commission na mag-imbestiga matapos ibunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na nagkaroon ng passport data loss nang tangayin ng outsourced passport maker ang applicant’s data nang tapusin ng gobyerno ang kontrata nito.
Sinabi ni Panelo na hindi dapat matapos lang ang imbestigasyon sa kung nagamit sa illegal ang datos ng publiko kundi kung may nilabag ang grupo sa batas na apektado ang publiko.
152