(NI BETH JULIAN)
KAHIT nalalapit na ang petsa ng pagreretiro ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa Setyembre, wala pa ring iniendorso ang Malacanang kung sino ang ipapalit sa mababakanteng puwesto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa October 18 na ang petsa ng pagreretiro ni Bersamin kung saan iaabandona niya ang puwesto bilang Chief Justice ng Supreme Court.
Katwiran ni Panelo, ang Pangulo ang tanging nakaaalam kung sino ang iluluklok para maging successor ni Bersamin, pero hanggang ngayon ay wala pa namang iniaanunsyo ang Pangulo.
Base sa naunang ulat, limang most senior justices ang awtomatikong nominado sa top SC post na kinabibilangan nina Senior Associate Justice Marvic Leonen, Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas Bernabe, at Benjamin Caguioa.
Hanggang sa ngayon ay nakaantabay lamang ang Palasyo sa magiging pahayag ng Pangulo ukol dito.
274