(NI CHRISTIAN DALE)
WALA pang opisyal na posisyon ang Malakanyang hinggil sa posibilidad na pagpapatupad o hindi ng holiday ceasefire sa NPA.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, kanya itong ikokonsulta kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang may pinal na desisyon sa pagdedeklara o hindi ng holiday truce sa rebeldeng grupo.
Una rito ay kapwa nagpahayag sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at DILG Secretary Eduardo Ano na magsusumite ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte upang huwag magdeklara ng suspension of military operation o SOMO kontra NPA.
Ito’y dahil na rin aniya sa ang mga sundalo lang ang tumatalima sa ceasefire na habang gumagapang naman, ani Lorenzana, ang
mga rebelde sa mga barangay para magpalakas ng kanilang puwersa
Sa kanyang panig, sinabi ni Local Government Secretary Año na sa halip na ceasefire ay mas mabuting ibigay na lang ang lahat ng oportunidad sa mga rebelde na makapag-balik loob upang maging produktibong mamamayan at makapagsimula ng panibagong buhay.
186