PALIWAN BRIDGE SA ANTIQUE PINABIBIGYAN NG P300M

PINALALAANAN ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ng P300 milyon ang konstruksyon ng bumagsak na Paliwan bridge sa Antique dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Ayon kay Legarda, matapos na masira ng bagyong Paeng ang malaking bahagi ng Paliwan bridge agad siyang nakipagpulong kay Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan at sa mga taga- DPWH Region 6 para sa alokasyon ng P300 milyon sa ilalim ng 2023 national budget para sa konstruksyon ng bagong tulay.

Ikinatuwa naman ng mga Antiqueno ang mabilis na aksyon ni Legarda upang matiyak ang alokasyon ng pondo at agarang konstruksyon ng bumagsak na tulay dahilan para maging isolated ang Antique.

Sinabi ni Legarda na sa pagtutulungan ng dalawang alkalde sa Antique, naglagay muna ng footbridge na gawa sa kawayan para pansamantalang magamit sa pagtawid ng publiko at ng mga produkto mula sa Antique.

Ipinaliwanag ni Legarda na mayroong pondo na ginagamit sa retrofitting ng Paliwan bridge dahil luma na ito subalit sa paghagupit ng bagyong Paeng tuluyang nasira ang malaking bahagi nito kaya kailangang isailalim sa repair o reconstruction.

Bago aniya sumapit ang bagong taon ay may magagamit na quick response fund mula sa DWPH para sa nasabing konstruksyon.

Samantala, iginiit ni Legarda na dapat magsagawa ng risk assessment ang DPWH sa mga pangunahing tulay sa bansa at agarang isailalim sa retrofitting ang mga luma at may depektong tulay. (DANG SAMSON-GARCIA)

276

Related posts

Leave a Comment