PAMILYA BATOCABE HANDANG ISAILALIM SA WPP ANG SAKSI

BATOCABE KILLING-2

HANDA ang pamilya Batocabe na ilagay sa witness protection program (WPP) sinumang saksi na makapagtuturo sa mastermind sa naganap na pananambang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Ang mambabatas ay pinagbabaril ng mga suspek noong Linggo matapos ang ginawang gift giving program sa Daraga, Albay.

“Whoever is the least guilty but knows the full details, we are ready to forgive you, kiss your hand, place you under witness protection program. Just point out the mastermind and you will still get the cash reward,” pahayag ng anak ni Batocabe na si Justin.

Samantala, may nakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) na isang saksi na posibleng makapagbigay ng mahahalagang impormasyon sa naganap na krimen.

Bukod pa ito sa tinutukoy na anim na kalalakihan na persons of interest ni Special Investigation Task Group Batocabe spokesperson C/Insp. Luisa Calubaquib na nakuhanan ng CCTV sa isang hotel sa Daraga, Albay.

Ayon pa kay Calubaquib, malaking tulong ang reward sa agarang ikalulutas ng krimen.

Tinatayang aabot sa P30-M ang malilikom na reward money na nakalaan sa makapagbibigay ng impormasyon sa mga taong nasa likod ng pagpatay.

8

Related posts

Leave a Comment