Patuloy sa pag-aalburoto 126 VOLCANIC EARTHQUAKES NAITALA SA MAYON

TINATAYANG umabot sa 126 volcanic earthquakes ang naitala sa panibagong pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag, iniulat nitong Agosto 14, 2023 (Lunes) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs, nakataas ang Alert Level 3 sa paligid ng Bulkang Mayon at naitala ang mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.8 km sa Mi-isi Gully ng bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs, naitala rin ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 1500 metro, katamtamang pagsingaw ng usok nito na napadpad sa timog-silangan kanluran.

Nabatid pa sa ahensya, patuloy ang pamamaga ng bulkan na may panandaliang pag-impis ng silangan bahagi nito.

Kaugnay nito, sinabi pa ng Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinoman sa anim na kilometrong (6km) radius Na Permanent Danger Zone (PDZ).

Ayon pa sa ahensya, hindi rin pinahihintulutan ang pagpapalipad ng anomang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa banta ng pagputok nito.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs na maaaring maganap ang pagguho ng bato, pag-itsa ng mga tipak ng lava o bato at pag-agos ng lava.

(PAOLO SANTOS)

132

Related posts

Leave a Comment