Patuloy sa tahimik na pagtulong MARCOS NAMAHAGI NG PPEs SA BAGUIO

0

(NELSON S. BADILLA)

NAGTUNGO si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kamakailan sa Baguio City upang mamahagi ng personal protective equipment (PPE) sa mga medical frontliner ng lungsod.

Si Marcos, o BBM, ay personal na nagbigay ng PPEs kay Baguio Mayor Benjamin Magalong dahil kailangan pa rin ng pamahalaang lungsod ng mga kagamitan na magbibigay ng proteksyon sa mga frontliner nito mula sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Ang Baguio City na bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR) ay malapit sa puso ni Marcos dahil kapwa niya mga Ilokano ang mga naninirahan dito.

Kamakailan, nagbigay din ng tulong si Marcos sa mga residente ng ilang bayan sa Batangas na direktang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Pagkaraan ng ilang araw, nagpadala rin ng goodies si Marcos sa Pateros upang matulungan ang mga residenteng nasunugan.

Nang pumunta siya sa Baguio, sinadya ni Marcos na huwag iparating sa mga city-based journalist ang kanyang pagtulong dahil ang beteranong mambabatas ay ginawang “policy” sa sarili na iwasan ang “fanfare”, o “media publicity”, kapag tumutulong sa mga pangkaraniwang tao.

Nangangahulugan, ginagawa ni Marcos ang nakaugaliang pagtulong sa mga nangangailangan bilang public servant, sa tahimik na paraan dahil dati na niyang idineklara na ang pagtulong sa kapwa Filipino ay dapat boluntaryo lalo na kung “jobless” ang politiko.

Kaugnay sa kanyang plano para sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon, nanatiling tahimik si Marcos dahil patuloy pa rin siyang nakikipag-ugnayan at kumokonsulta sa mga pinuno ng mga pamahalaang lokal at lider ng iba’t ibang organisasyon ng batayang masa mula Luzon hanggang Mindanao.

Batay sa mga sarbey simula noong Disyembre ng nakalipas na taon, si Marcos ay isa sa mga nangungunang posibleng lumaban sa susunod na taon sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

Sa sarbey nitong Hunyo, maganda ang iskor ni Marcos sa National Capital Region (NCR) at sa Balance of Luzon (BL).

Bukod diyan, base ni Marcos ang Region 1 kung saan kasama ang Ilocos Norte at ilang bahagi ng Visayas Region, kabilang ang Leyte na siyang pinagmulan ng kanyang ina na si dating mambabatas Imelda Romualdez Marcos.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment