PDEA NANINDIGAN NA BUMABA ANG PROBLEMA SA DROGA

drugs12

(NI JEDI PIA REYES)

PINANININDIGAN ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na nabawasan o napilayan ang operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Philippine National Police (PNP) na lumala pa ang problema sa ilegal na droga sa kabila ng pinatinding kampanya laban dito.

“Of course no. Kung makikita mo on our number of [drug surrenderers] number of [drug] seizures. Malaki ang nakukuha natin drugs worth billions of pesos,” ani Aquino.

Sinabi pa ni Aquino na posibleng nagbigay lang ng paunang impresyon si Duterte batay sa laki ng halaga ng ilegal na droga na nakukumpiska ng mga otoridad.

“Ang tingin ko lang that will be the first impression of the President. Dati narinig ng Presidente, sachet. Next million. Now billion na. Kahit ako nabibigla ako as director general,” dagdag pa nito.

Ikinatwiran ng PDEA Chief na walang tigil ang pagtatrabaho ng mga otoridad at patuloy ding nakakaharang ng ilegal na droga na itinatangkang pumasok sa merkado sa Pilipinas.
“It is good now, we are able to intercept this big volumes of illegal drugs and the good thing we are having a good and open communication with international counterparts,” ayon pa kay Aquino.

102

Related posts

Leave a Comment