(NI BETH JULIAN)
WALANG intensyon si Pangulong Rodrigo Duterte na diktahan ang mga mambabatas na ipinatawag nito Lunes ng gabi para sa isang hapunan sa Malacanang.
Sa press briefing Martes ng tanghali, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na nagsilbi lamang moderator si Pangulong Duterte sa pag uusap.
Kabilang sa nakaharap ng Pangulo sa hapunan ang ilang senador sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto, Loren Legarda at iba pa habang kasama naman sa panig ng kamara si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon kay Panelo, bagmat hindi nito alam kung kanino inisyatibo galing ang pagharap sa hapunan sa Palasyo, ay isa lamang ang layunin dito ng Pnagulo.
Tinumbok ni Panelo na ang layon ng Pangulo ay ang maplantsa ang psgkakaiba sa mga senador at knogresista ukol sa usapin ng 2019 national budget.
Sinabing handa ang Pangulo na pakinggan ang magkabilang panig at pagkatapos ay magbibigay naman ng kanyang opinyon ang Punong Ehekutibo.
Sa nauna nang pahayag ng Pangulo, nagpasarin na ito at sinabing hindi nito pipirmahan ang anumang ilegal na dokumento tungkol sa Pambansang Budget.
Pero ipinaabot din ng Pangulo ang kanyang pag aalala na mahirap at maraming maapektuhang peoyekto ng gobyerno maging ang galaw ng pamahalaan kapag ang reenacted budget ng 2018 ang patuloy na gagamitin hanggang sa susunod na apat na buwan.
Matatandaan na nag ugat ang iringan ng Senado at Kongreso sa isyu ng re-alignment pondo ng ilang ahensya ng gobyerno.
152