CLOUD SEEDING UUMPISAHAN NA NG DA

cloud

(NI DAHLIA S. ANIN)

IPINAG-UTOS na ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol na simulan na ang cloud seeding upang madagdagan ang tubig sa mga dam.

Sa kanyang Facebook post, inatasan niya si Undersecretary Ariel Cayanan ng Department of Agriculture, na iutos sa mga Regional Offices ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng cloud seeding operation.

Ipinag-utos din niya na makipag-ugnayan si Cayanan, sa Philippine Air Force para magsimula na ng operasyon sa Pampanga, Bulacan at Rizal para punan ang La mesa Dam.

Dagdag pa ni Pinol, noong nakaraang taon pa binigyan ng pondo ang Air force at mga regional office para sa cloud seeding bilang paghahanda sa El Niño.

131

Related posts

Leave a Comment