(NI BETH JULIAN)
Asahan na ang pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Senator Bong na sinisimulan na ang pagpaplano sa pagtungo ng Pangulo sa China sa katapusan ng Agosto para manood ng FIBA World Cup 2019 sa China.
Ang nasabing World Cup ay magsisimula sa August 31 at matatapos sa September 15.
Ayon kay Go, sakaling matuloy ang Pangulo, ito ang unang pagkakataon na makasasaksi ang Pangulo ng FIBA games na ilang taon nang bigong ma-qualify ang Pilipinas
Si Go ang isa sa mga pursigidong isulong at suportahan ang Gilas Pilipinas sa kanilang mga pagsabak sa international competition tulad ng FIBA.
131