PHILHEALTH, PRIVATE HOSPITALS NAGKASUNDO SA SINISINGIL NA CLAIMS

bong go55

(NI NOEL ABUEL)

NAGKASUNDO na ang mga opisyal ng PhilHealth at Private Hospitals Association of the Philippines Inc. kaugnay ng sigalot sa pagitan ng mga ito hinggil sa fraudulent  claims.

Ito ang sinabi ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, matapos magpatawag ng pulong noong nakaraang Huwebes, Oktubre 24 kung saan nakaharap nito sina PhilHealth president Gen. Ricardo Morales at PHAPI president Rustico Jimenez.

Sa nasabing pagpupulong, nagkasundo ang  PhilHealth at PHAPI na magtutulungan para masolusyunan ang hinahabol na claims ng mga private hospitals at ang pagsawata sa mga fraudulent claims.

“Naiintindihan ko mga hospital na dapat sila mabayaran. Ang concern ko lang dapat hindi mapabayaan ang mga pasyente. Dapat hindi ma-hamper ang serbisyo,” apela ni Go kina Morales at Jimenez.

Sa panig ng PhilHealth, ipinaliwanag ni Morales na nais lamang makatiyak ng ahensya na hindi ‘bogus’ ang mga claims kasabay ng apela sa pribadong ospital na makipagtulangan.

Sinabi ni Go, na nakahanda itong maging tulay para tuluyang masolusyunan ang problema ng Philhealth at PHAPI.

“Open ang aking linya, handa ako maging tulay ninyo para makapag-usap kayo,” sabi ni Go nang makaharap nito ang nasabing mga opisyal.

 

188

Related posts

Leave a Comment